Na ikinatalo ni Dapudong vs African boxer IBO mag-iimbestiga na sa kontrobersyal na laban
MANILA, Philippines - Ipinag-utos agad ni International Boxing Organization (IBO) president Ed Levine ang pagbubuo ng komite na susuri sa video tape sa kontrobersyal na laban sa pagitan nina Filipino boxer Edrin Dapudong at South African fighter Gideon Buthelezi na nagtagisan noong Linggo sa South Africa.
Inatasan din ni Levine ang mga tatapiking IBO licensed boxing judges na sipatin ng maigi ang nangyari sa laban upang alamin kung tunay nga ba na naging kontrobersyal ang pagkatalo ni Dapudong kay Buthelezi.
Kapag napatunayan na may pagkakamali, hindi mangingimi ang boxing body na mag-utos ng rematch sa dalawang boksingero.
Ang aksyon ni Levine ay bilang tugon sa liham ng pagprotesta na ipinadala ni dating North Cotabato governor Manny Pinol matapos matalo sa pamamagitan ng split decision si Dapudong kay Buthelezi sa tagisan para sa bakanteng IBO super flyweight title.
Galit si Pinol dahil nadehado si Dapudong sa iskor na ibinigay ni US judge Michael Pernick matapos gawaran lamang ng 10-9 pabor sa Filipino boxer ang ninth round gayong dapat ay 10-8 ito dahil bumulagta ang South African pug.
“The IBO will impanel three highly respected IBO licensed boxing judges to independently review and score the fight. The IBO Championship Committee will review the scoring of the appointed panel and issue their decision (rematch) within ten days,” pahayag ni Levine sa kanyang tugon na liham kay Pinol.
May kopya rin ng liham si IBO chairman John Daddono.
Hindi naman kinatigan ni Levine ang kahilingan ni Pinol na suspindihin si Pernick dahil sa kanyang ginawa.
- Latest