^

PSN Palaro

Nishioka nagretiro isang buwan matapos matalo kay Donaire

Pilipino Star Ngayon

TOKYO - Tuluyan nang nag­retiro si dating World Bo­xing Council super bantamweight champion Toshiaki ‘Speed King’ Nishioka.

Inihayag ni Nishioka ang kanyang pagreretiro ha­los isang buwan matapos siyang pigilin ni unified world super bantamweight king Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. sa Home De­pot Center sa Carson, Ca­lifornia.

“I have done what I should do. I am fully satisfied with my boxing career,” wi­ka ng 36-anyos na Japanese superstar sa isang news conference kahapon sa Tokyo.

“I have experienced excitement many times through 18 years as a pro bo­xer,” dagdag pa nito na may 39-5-3 win-loss-draw ring record kasama ang 24 knockouts.

Unang nakita sa professional boxing si Nishioka noong 1994 at hinirang na WBC super bantamweight champion noong 2008.

Matapos ang ma­ta­gumpay na pagdedepensa sa kanyang korona sa pang pi­tong sunod na pagkaka­taon, kinilala siya bilang “Emeritus Champion” ng WBC division noong Marso 15.

Matapos ito ay bina­kante niya ang naturang WBC title at inangkin naman ni Mexican Abner Mares.

Sa kanilang super bantamweight title unification fight noong Oktubre 13, ti­nalo ni Donaire, ang kasalu­kuyang may su­ot ng IBF at WBO titles, si Nishioka sa ninth round.

DONAIRE

EMERITUS CHAMPION

FILIPINO FLASH

HOME DE

INIHAYAG

MATAPOS

MEXICAN ABNER MARES

NISHIOKA

SHY

SPEED KING

WORLD BO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with