PH/SMART nag-uwi ng 5 gold sa Korea tourney
MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Philippine/SMART taekwondo team ang kanilang paghahanda para sa SEA Games sa Myanmar sa 2013 nang manalo ng limang ginto, pitong pilak at 14 bronze medals sa idinaos na Korea Open International Championships sa Gyeongju, Korea.
Ang mga nanalo ng ginto sa junior sparring competiton ay sina Aaron James Galita, Keno Anthony Mendoza, Francios Aaron Agojo, Patricia Francesca Gonzales at Inna Izabella Dionisio.
Ang beteranong si John Paul Lizardo ang nanguna sa mga nanalo ng pilak nang talunin ang isang US jin sa quarterfinals at pinatulog ang isang Asian champion mula Korea.
Ngunit bigo siya sa isang Russian jin sa finals.
Si Korina Paladin ay nanalo pa ng pilak sa sparring habang sina Ernesto Guzman Jr. at Mikaela Calamba ang nalagay sa ikalawang puwesto sa poomsae event.
Umabot sa 50 bansa na bumuo sa 1000 jins ang sumali at ang partisipasyon ng Pilipinas ay nangyari dahil sa tulong ng SMART, MVP Sports Foundation, PLDT, Meralco, TV5 at PSC.
- Latest