Caguioa dinugtungan ang pag-asa ng Ginebra
MANILA, Philippines - Sa likod ni Mark Caguioa, muling nabuhayan ng pag-asa ang Barangay Ginebra San Miguel sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup.
Sa 81-79 panalo ng Gin Kings laban sa Globalport Batang Pier noong nakaraang Biyernes, umiskor si Caguioa ng 19 points, habang humakot naman siya ng 22 markers at 11 rebounds sa kanilang 104-101 pagtakas sa nagdedepensang Talk ‘N Text Tropang Texters noong Linggo.
Dahil sa kanyang kabayanihan, tinanghal si Caguioa bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.
“Mark exemplifies the spirit of Ginebra,” sabi ni Ginebra head coach Siot Tanquingcen kay Caguioa. “Tulad kagabi (Linggo), kahit dumugo na ‘yung mata bumalik pa rin siya at naglaro pa din. And when we needed the big baskets he stepped up.”
Sinabi naman ng 37th season Most Valuable Player awardee na nagiging pamilyar na ang mga Gin Kings sa sistemang gustong gawin ni Tanquingcen na sinasabing bahagi ng kanilang pinagmulang five-game losing slump.
“I think everyone is on one page now and everyone believes that we could still turn things around. We added new plays and everyone is getting involved, especially our big men,” sabi ni Caguioa.
- Latest