Sa Milo Marathon Davao qualifying leg: Lupio hinubaran ni Nerza ng titulo
MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagnanais niyang mapanatiling suot ang regional crown, natalo pa rin si 2011 21-k men’s division winner Brian Lupio sa karibal na si Anthony Nerza sa MILO Marathon Davao qualifying leg.
Tumapos si Nerza, sumegunda kay Lupio noong nakaraang taon, sa oras na 1:12:30 para sa kanyang personal best time.
Sinabi ng 23-anyos na estudyante at tubong Kapatagan, Digos na gusto niyang mamayagpag sa darating na National Finals na tatakbuhin sa 42-k track.
Pinagreynahan naman ni dating MILO Marathon queen Flordilisa Donos ang women’s division sa kanyang bilis na 1:26:52 sa kabila ng nararamdamang leg injury.
Tinalo ni Nerza para sa karangalan sina Lupio (1:13:54) at University of Mindanao bet James Castillo (1:14:21), habang binigo ni Donos sina Cellie Rose Jaro (1:35:28) at Emely Avergonzado (1:37:32).
Para sa school category awards, naglahok ang Davao City National High School ng 1,035 student runners para hirangin bilang ‘Biggest School Delegation’, habang ang University of Mindanao ang kumuha sa ‘Fastest School Delegation’ award sa aggregate time na 19:59.22.
- Latest