^

PSN Palaro

Erasers puntirya naman ang 2nd win vs Icons Bakers may misyon sa Rising Suns vs Cagayan Valley

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Arellano University Gym)

2 pm Informatics vs Erase Xfoliant

4 pm Café France

 

 

MANILA, Philippines - Pilit na sasakyan ng Ca­fé France ang suwer­teng dumapo sa kanila sa unang laro sa pagharap sa Cagayan Valley Rising Suns sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Arellano Gym sa Legarda, Manila.

Natalo dapat ang Ba­kers sa kamay ng bagu­hang Fruitas, 82-88, pero binaligtad ni league commissioner Atty Chito Salud ang panalo nang mapatunayan na gumamit ng ile­gal na manlalaro ang rookie team.

“The sudden turnaround gives us a boost,” wika ni Bakers coach Edgar Macaraya. “We need it so much against a strong team like Cagayan.”

Main game ang laro sa dakong alas-4 at ang Suns ay magsisikap na bumangon matapos ang unang pagkatalo sa kamay ng Erase Xfoliant, 78-91, sa huling laro.

Tinapos ng pagkatalong ito ang dalawang dikit na panalo na nailista ng sophomore team at naniniwala si coach Alvin Pua na magigising na ang kanyang bataan sa katotohanang kailangan nilang magtrabaho nang husto sa bawat laro kung nais nilang may marating sa torneo.

“Our game against Café France will be a good test of our character. Our mind set is to bounce back and play hard defense,” wika ni Pua.

Ikalawang  sunod na panalo ang hanap ng Erasers sa laro laban sa rookie team na Informatics sa ganap na alas -2 ng hapon.

Tiyak na masusukat ang bataan ni coach Aric del Rosario lalo pa’t naga­wang pahirapan ng col­legiate team na Icons ang Suns bago tumupi sa endgame.

ALVIN PUA

ARELLANO GYM

ARELLANO UNIVERSITY GYM

ATTY CHITO SALUD

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

D-LEAGUE ASPIRANTS

EDGAR MACARAYA

ERASE XFOLIANT

LARO NGAYON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with