‘Mom of Steel’ nasa Oklahoma na
OKLAHOMA (VIA PCSO)--Bumiyahe si Luz McClinton, ang unang Pilipinang nagwagi ng Pro Fame Figure World Championship sa Estados Unidos noong 2010 at ang kaisa-isang may titulo sa figure bodybuilding, patungong Oklahoma para sa World Bodybuilding and Fitness Federation Southwest U.S. Championship.
Maglalaban-laban ang mga atleta mula sa apat na bansa at 13 estado sa mga kategoryang bikini, fitness, at bodybuilding.
Iniiskoran ang mga kompetisyon ng WBFF hindi lamang base sa katawan, kundi sa marketability at stage presence.
“Alay ko ito sa anak ko at sa bayan natin,” ani McClinton na nais maging inspirasyon sa mga kababaihan na maging malusog at mahalin ang kanilang katawan, lalo na ang mga nanay tulad niya.
Ang mga atletang sumasali sa mga kompetisyon ng WBFF ay mas kaunti pa sa 10 porsiyento ang body fat, na kailangan ng grabeng disiplina at workout.
Ginawaran kamakailan si McClinton na overall champion sa prestihiyosong kompetisyon na Phil-Asian Pacific International Body Building Competition sa Mariners Court sa Pier One, Cebu City noong Setyembre 22. Inuwi niya ang dalawang titulo, ang 2012 Cebu Philippines at 2012 UBFFP Ms. Phil- Asia.
- Latest