Valdez inagaw ang unahan
MANILA, Philippines - Inagaw ng veteran internationalist Paulo Valdez ang pangunguna sa Class O men’s singles matapos magrolyo ng two-game series na 1291 pinfalls sa 41st PBC-POC-PSC Open championships noong Huwebes sa SM Bowling Center sa Mall of Asia, Pasay City.
Binura ni Valdez, miyembro ng TBAM-Prima-Timberpro at may hawak rin ng ilang gold medals sa iba’t ibang international competition, ang 1269 iskor ni national bowler Raoul Miranda ng maglista ng games na 632 at 659.
Mahigpit pa rin ang kapit ni Poland-bound World Cupper at national bowler Krizziah Tabora ng TBAM-Prima sa liderato sa Class O ladies’ singles sa pagposte ng 1236 mula sa mga games na 612 at 624.
- Latest