^

PSN Palaro

Poc-Psc Batang Pinoy Mindanao LEG Saavedra umusad sa 2nd round; Amores papalo naman sa semis

Pilipino Star Ngayon

DAPITAN CITY, Philippines --Ka­agad na humataw ng panalo ang host pro­vince nang manaig sina  Jason Saavedra at Jelza Maey Amores sa lawn ten­nis singles event sa paghataw ng Philippine Olympic Committee-Philippine  Sports Commis­sion Batang Pinoy 2012 Mindanao leg.

Pinayukod ni Saavedra si Steve Centennial Mag­hanoy ng Zamboa­nga, Sibugay, 8-3, upang makaabante sa second round ng boys singles.

Sumikwat si Saavedra, isang Grade 7 student sa Dapitan City National High School, ng silver medal sa boys elementary doubles sa nakaraang 2012 Palarong Pambansa.

Maglalaro naman sa semifinal round si Amores, kumuha ng bye sa first round, matapos igupo si Kyla Kiezl Diaz ng Zamboanga City, 8-4, sa girls singles competition.

Sasagupain ni Amores sa  semis si Diadem Sasota ng Cotabato, nagposte ng 8-3 panalo kontra kay Franchette Faye Helar ng Zamboanga, Sibugay.

Makikita din sa semis sa girls singles sina Alliah Elline Ragunton ng Co­tabato na gumiba kay top seed Mary Rose Bael ng Dapitan City, 8-1, para makaharap niya si Rosuel Anne Binondo ng Davao del Norte na nagpatalsik kay Jed Vallie Rayne Aquino ng Davao del Norte, 8-6.

Nasibak naman ang mga kakampi nina Saavedra at Amores na sina Rolly Elopre, Jerry Bagabuyo at Arnelo Gallemit sa kani-kanilang mga laro sa first  round nang matalo kina Paul Chyrel Dandado ng Siocon (8-2), Jeff Balatero ng Tangub City (8-2) at Junel Canal ng Agusan del Sur (8-0), ayon sa pag­ka­ka­sunod.

Sa badminton, puma­sok sa second round si Art Villanueva ng Zamboanga, 21-11, 21-17 tagumpay laban kay Dapitan City bet Paul Tacbayan.

Nakatakdang buksan ngayong araw ang mga labanan sa swimming competitions at field events sa athletics.

ALLIAH ELLINE RAGUNTON

ARNELO GALLEMIT

ART VILLANUEVA

BATANG PINOY

DAPITAN CITY

DAPITAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

DAVAO

DIADEM SASOTA

FRANCHETTE FAYE HELAR

SAAVEDRA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with