Best-start sa Spurs dumiretso sa 4 dikit na panalo
SAN ANTONIO--Dumiretso ang four-time NBA champion San Antonio Spurs sa kanilang franchise-best na 4-0 panimula sa season matapos talunin ang Indiana Pacers, 101-79.
Pinamunuan ni reserve Gary Neal ang limang Spurs sa double figures sa kanyang 17 points, habang naglista si Tim Duncan ng 14 points at 11 rebounds.
Sa kabila ng pag-angkin sa apat na NBA championships sa pagitan ng 1999 at 2007, hindi pa nakakamit ng Spurs ang kanilang unang apat na sunod na panalo sa regular season.
Kinuha ng San Antonio ang isang eight-point lead sa first quarter bago umiskor ng 11 puntos sa second period para iwanan ang Indiana sa 37-18.
Binanderahan nina George Hill at Paul George ang Pacers (2-2) mula sa kanilang 15 at 14 points, ayon sa pagkakasunod.
May 6 points lamang si leading scorer Tony Parker para sa Spurs, samantalang umiskor si Ginobili ng 3 markers at naglista ng 7 assists sa kanyang ikalawang sunod na laro matapos magkaroon ng back injury.
Sa Philadelphia, tumipa si Carmelo Anthony ng 21 points at may 17 si JR Smith para igiya ang New York Knicks sa 110-88 panalo kontra sa Philadelphia 76ers.
Sa Miami, naglista si LeBron James ng 23 puntos at 11 rebounds, kumana si Dwyane Wade ng 22 puntos at trangkuhan ang Miami Heat sa 124-99 panalo laban sa Phoenix Suns.
Sa iba pang laro, tinalo ng Minnesota ang Brooklyn, 107-96 at hiniya ng Portland ang Dallas,114-91.
- Latest