^

PSN Palaro

Kumubra ng 2 silver, 3 bronze Pinoy tracksters bokya sa gold

Pilipino Star Ngayon

CHINESE-TAIPEI--Sa pagkakaroon ni Elma Muros-Posadas ng injury, dalawang silver at tatlong bronze medals ang inangkin ng Team Philippines sa 17th Asia Masters Athletics Championships sa Taipei City Sports Park.

Bagamat nabasag ni Antonio Chee ang kanyang sariling record sa pole vault sa men’s 35-39 years old mula sa kanyang lundag na 3.80-meter, tinalo naman siya ni Yang Mu Wei ng Chinese-Taipei sa kanyang 4.40 meters para sa gold medal.

Inangkin ni Yang Zen Zong ng Chinese-Taipei ang bronze medal mula sa kanyang 3.50 meters.

Kumuha din si John Lo­zada ng silver medal sa 1500-m event sa men’s 35-39 years old sa kanyang oras na apat na minuto at 29.48 segundo sa likod ng 4:28.67 ni gold medal winner G.N. Karunathinaka ng Sri Lanka.

Isa pang Sri Lankan si  H.D. Chaminda ang tumer­sero sa oras na 4:28.67 para sa bronze.

May 3 gold, 5 silver at 3 bronze medals ngayon ang koponan.

Nagkaroon si Muros-Posadas ng isang right thigh injury sa kanyang pagtatangka sa gold medal sa 80m hurdles sa wo­men’s 45-49 years old.

Nauna nang nakuha ni Muros-Posadas ang ginto sa 100m run (45-49 years) kagaya ni Lerma Bulauitan-Gabito sa women’s 100m run (35-39 years) at Erlinda Lavandia sa women’s ja­velin throw (60 years).

Galing kina Helen Castillo, Arnel Lobos at Agustin Jarina ang tatlong bronze.

Tumapos si Castillo na ikatlo sa 400m run (55-59-years old) sa oras na 93.08 segundo sa likod ng gold ni Linda Oh Ah Kiaw ng Singapore (78.61) at runner-up na si Yamatsu Takashi ng Japan (91.82).

Pumangtalo si Lobos sa 100m-hurdles (men 55-59 years old) sa tiyempong 18.11 segundo sa likod ng gold ni Veeraphon Khumphai ng Thailand (17.45) at runner-up na si Nakashima Takashi ng Japan (17.90).

 Nagposte naman si Jarina ng 35.30m para sa bronze sa hammer throw (men 55-59).

Ang pambato ng host country na si Tsang Zhu Wei ang komopo ng gold (17.45m) at ang silver ay napasakamay ni Thiravia Nadar Subramanian ng India (36-84).

Hindi na lalahok si Mu­ros-Posadas sa 200m race at malabo na ring makalahok ito sa kanyang paboritong event na long jump. Gayunpaman, nais niyang tumulong sa kampanya ng women’s sa 4x100 relay team sa Miyerkules kung sakaling mawala ang sakit na nararamdaman sa kanyang binti.

AGUSTIN JARINA

ANTONIO CHEE

ARNEL LOBOS

ASIA MASTERS ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

CHINESE-TAIPEI

ELMA MUROS-POSADAS

ERLINDA LAVANDIA

GOLD

KANYANG

YEARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with