^

PSN Palaro

World wakeboard lalarga ngayon sa Deca Park

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aagaw ng pansin ang bansa sa pagiging pu­nong abala sa 2012 Cable Wakeboard World Championships na magbu­bukas ngayon sa Deca Wakeboard Park sa Clark, Angeles, Pampanga.

Sa unang pagkakataon na magiging punong abala sa prestihiyosong torneo, binuksan ng bansa ang pinto para sa mahigit 300 riders mula sa 32 bansa sa pangunguna nina reig-ning world champions Nick Davies at  Kristeen Mitchell ng Great Britain, kasama si Tokyo World Cup winner Angelica Shriber ng Austria at Frederic von Osten ng Germany, inaasahang magpapakita ng matikas na performance.

“We are looking forward to a successful  event,”  ani J.V. Borromeo, chair­man ng Waterski and Wakeboard Association of the Philippines.

“By showcasing topnotch wakeboard action and giving local riders the chance to compete against the world’s best, we expect to sustain the steady growth of the sport in the country and help promote tourism as well,” dagdag pa niya.

Babanderahan naman nina Southeast Asian Games bronze meda­lists Samantha Bermudez, Mark Griffin at Carlo dela Torre, na nagsanay at lu­mahok rin sa kompetisyon sa Japan at Korea, ang kampanya ng Filipinos.

Naibulsa ni Bermudez ang bronze sa female wakeboard event sa Indonesia SEAG at  gumawa rin siya ng magandang pagtatapos sa team cate­gory na kinabibilangan nina Griffin at dela Torre, ayon sa pagkakasunod.

ANGELICA SHRIBER

CABLE WAKEBOARD WORLD CHAMPIONSHIPS

DECA WAKEBOARD PARK

GREAT BRITAIN

KRISTEEN MITCHELL

MARK GRIFFIN

NICK DAVIES

SAMANTHA BERMUDEZ

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TOKYO WORLD CUP

WATERSKI AND WAKEBOARD ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with