^

PSN Palaro

Wakeboard Championship sa YouTube

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagrebisa ng International Olympic Committee sa walong bagong sports na ibibilang sa 2020 Olympic Games, tiniyak ng mga organizers ng 2012 World Cable Wakeboard Championships ang matagumpay na pagdaraos ng event sa Nobyembre 10-11 sa Deca Wakeboard Park sa Clark sa Angeles, Pampanga.

Mapapanood ng mga wakeboard fans sa buong mundo ang event sa pamamagitan ng live webcast sa YouTube Sports Hub link. Ang libreng live webcast ay magtatampok sa Junior at Open men’s at women’s finals.

Hangad ng International Waterski at ng Wakeboard Federation na mapasama ang kanilang sport sa 2020 Olympic Games.

Magsisimula ang mga qualifying bukas hanggang sa Nobyembre 9.

Pamumunuan nina defending champions Nick Davies at Kirsteen Mitchell ng Great Britain ang mga kalahok kasama si Tokyo World Cup gold medal winners Angelika Shriber ng Austria at Frederic von Osten ng Germany.

Ang mga bansang kasali ay ang Brazil, Singapore, Indonesia, Thailand, Hong Kong, Chinese Taipei, Malaysia at ang Pi­lipinas na babanderahan nina Samantha Bermudez, Mark Griffin at Carlo dela Torre.

 

ANGELIKA SHRIBER

CHINESE TAIPEI

DECA WAKEBOARD PARK

GREAT BRITAIN

HONG KONG

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

INTERNATIONAL WATERSKI

KIRSTEEN MITCHELL

MARK GRIFFIN

OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with