Marquez kondisyon na paraa talunin si Viloria
MANILA, Philippines - Hindi dapat mawala ang diskarte kay Brian Viloria kung nais nitong hirangin bilang undisputed champion sa flyweight division.
Haharapin ni Viloria ang Mexicanong si Hernan “Tyson” Marquez sa Nobyembre 17 sa Sports Arena sa Los Angeles, California at nakataya rito ang hawak niyang titulo sa WBO at ang WBA belt ni Marquez.
Naihayag ng 24-anyos na si Marquez (34-2, 25KO) ang kanyang kahandaan na harapin at talunin ang 31-anyos na si Viloria (31-3, 18KO) para tapusin din ang pagdodomina sa mga Mexican fighter.
“I feel very good, very motivated to fight Viloria,” wika ni Marquez.
Si Robert Garcia ang siyang trainer ni Marquez at maging siya ay ginarantiya na nasa tamang kondisyon ang batang boksingero.
Si Marquez ay sasampa sa ring mula sa dalawang dikit na decision panalo laban sa mga Filipino fighters na sina Fernando Lumacad at Richie Mepranum noong Hulyo at Marso.
Sa kabilang banda, si Viloria ay nanalo laban sa tatlong Mexican boxers na hinarap na sina Julio Cesar Miranda, Giovani Segura at Omar Niño Romero.
- Latest