^

PSN Palaro

Thai boxer pinagretiro ni Migreno

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas marami ang talo sa panalo sa karta ni Rey Migreno pero hindi ito ma­ngangahulugan na hindi siya matatandaan sa larangan ng professional boxing.

Ang 26-anyos na tubong Misamis Oriental,  ang siyang makakakuha ng taguri na siyang nagparetiro sa dating tinitingalang Thai boxer na si Pongsaklek Wonjongkam nang patikimin niya ito ng third round technical knockout pagka­talo sa Araw ng mga Patay (Nobyembre 1)  sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Ginamit ni Migreno ang husay sa pag-ilag at dinikitan si Pongsaklek para sak­tan gamit ang mga maiigsi pero may puwersang suntok. Sa ikatlong round ay bumulagta si Pong­saklek sa isang right hook. Bu­mangon pa ang Thai boxer pero inatake uli siya ng Filipino challenger para muling tumumba.

Naawa na marahil ang kababayang referee na si Noppharat Sricharoen sa dating bayani sa boxing ng kanyang bansa at itinigil na ang laban sa 2:06 ng round.

Idinepensa ni Pongsaklek sa unang pagkakataon ang hawak na WBC international flyweight title sa nasabing laban.

Si Pongsaklek ang da­ting hari sa WBC flyweight title at kinilala bilang number four sa pound for pound list.

Pero nawala siya sa talaan nang makatikim ng 6th round TKO pagkatalo sa isa pang Pinoy na si Sonny Boy Jaro noong Marso 23 sa Bangkok.

Ito lamang ang ikalimang talo  sa 94 laban ni Pongsaklek habang ika-18 panalo sa 41 laban lamang ang nakuha ni Migreno.

Ngunit mailalagay siya sa kasaysayan dahil ang pagkatalong tinamo ng Thai boxer ang nagresulta upang tuluyang ianunsyo nito ang pagreretiro sa ring.

 

vuukle comment

ARAW

MIGRENO

MISAMIS ORIENTAL

NAKHON RATCHASIMA

NOPPHARAT SRICHAROEN

PONGSAKLEK

PONGSAKLEK WONJONGKAM

REY MIGRENO

SI PONGSAKLEK

SONNY BOY JARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with