^

PSN Palaro

Pinoy tracksters nahaharap sa mabigat na laban sa AMAC

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naramdaman agad ng Team Philippines ang pagbabantay sa kanila ng mga makakalabang ban­sa matapos tumapak sa bagong Taipei Gymnasium sa Chinese-Taipei na siyang pagdarausan ng 17th Asia Masters  Athletic Championships hanggang Nobyembre 7.

Sa opening ceremony kahapon na dinaluhan ng 2000 manlalaro mula sa 24 bansa ay nagtulong sina Elma Muros-Posadas at Erlinda Lavandia sa pagdadala ng bandila ng Pilipinas at hindi naitago ang tila pagkabigla at halong saya dahil makakatunggali nila ang dalawa sa pinagpipitaganang manlalaro na nakita sa SEAG.

Sina Muros-Posadas at Lavandia ay mga nanalo na rin ng ginto hindi lamang sa Asia Masters kundi sa World Masters din.

Noong 2010 sa Malay­sia ay kumabig ang Pilipinas ng 5 ginto at tatlo rito ay galing kay Lavandia ha­bang ang dalawa ay naiuwi nina Emerson Obie­na at Tony Chee sa larong pole vault.

Sina Obiena at Chee ay inaasahang magdadagdag ng ginto sa kampanya ng bansa sa nasabing meet.

Ang iba pang manlalaro ng bansa na kuminang sa SEA Games na nasa de­legas­yon ay sina Lerma Bulauitan-Gabito, John Lozada, Darry Jarin at Elenita Punelas.

Ang mga mananalo ng ginto ay papasok sa 2013 World Masters sa Brazil.

ASIA MASTERS

ATHLETIC CHAMPIONSHIPS

DARRY JARIN

ELENITA PUNELAS

ELMA MUROS-POSADAS

EMERSON OBIE

ERLINDA LAVANDIA

JOHN LOZADA

LAVANDIA

WORLD MASTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with