PBC-PSC-POC Open kegfest gugulong sa Nov. 4
MANILA, Philippines - Sa hangaring makatuklas pa ng mga mahuhusay na batang bowlers, gagawin sa Nobyembre 4 hanggang 18 ang Philippine Bowling Congress-Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee (PBC-PSC-POC) Open Championships sa SM Bowling Center sa Mall of Asia sa Pasay City.
“There is an urgent need to develop young bowlers with great potentials to help our country regain its old glory days in Asia and other parts of the world,” wika ni PBC president Ernesto A.“Toti” Lopa.
Ang torneo ay suportado rin ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Department of Tourism at Boysen Paints at ang mga ito ang pangunahing dahilan kung bakit may itatayang P1.509 milyong premyo na paglalabanan ng mga magsisilahok na pawang mga local bowlers lamang.
“We decided to change the old format featuring local and foreign bowlers because I want our bowlers to focus on their games so they can show their true potentials. Hopefully, we would be able to tap new faces to join our national squad,” dagdag ni Lopa.
Bagama’t paborito ang mga national players sa pangunguna ni 2006 World men’s champion Biboy Rivera, hindi naman kagulat-gulat kung may makasilat na mga batang kalahok katulad nina 16-anyos Enzo Hernandez at Alexis Sy.
Si Hernandez ang pumangalawa sa 2012 Bevida-Storm International Masters Challenge at silver medalist sa 2012 Asian Youth Boy’s doubles event habang si Sy ang kampeon sa girls’ Masters sa Asian Youth tournament sa Egypt.
- Latest