^

PSN Palaro

Sa Asia Masters Athletics championships Pinas hahakot ng ginto

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Asahang magiging pa­laban ngayon ang Pilipinas sa overall race sa idaraos na 17th Asia Masters Athletics Championships na gagawin mula Nobyembre 2 hanggang 7 sa New Taipei City, Chinese -Taipei.

Umabot sa 24 ang atle­tang ipanlalaban ng ban­sa sa kompetisyong katatampukan ng tagisan sa iba’t-ibang track and field events sa magkakaibang age categories.

Ang delegasyon na pamumunuan ni National Masters and Seniors Athletic Association (NMSAA) president Manny Ibay ay aalis ngayon at kasama sa delegasyon ang mga mahuhusay na tracksters na aasahan sa mga gintong medalya.

Mangunguna sa grupo si Erlinda Lavandia na noong 2010 sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nanalo ng tatlo sa limang gintong naiuwi ng delegasyon sa larangan ng discus throw, javelin throw at shot put.

Ang mga pole vaulters na sina Emerson Obiena at Tony Chee na nanalo rin ng ginto sa huling edisyon ay magbabalik din.

Pinalakas pa ang kopo­nang may ayuda ng PSC at SportsCore Event Ma­nagement and Consultancy (Score), ng pagpasok ng mga dating SEA Games gold meda­lists na sina Elma Mu­ros-Posadas, Lerma Bu­laitan-Gabito, Ele­nita Punelas, Danny Jarin at John Lozada.

Si Muros-Posadas ay sasali sa apat na events na long jump, 100m, 200m at 4x100m relay. Si Bulauitan-Gabito ay lalaban sa long jump at 4x100m relay, si Jarin ay sa hammer throw at discus throw at si Lozada ay sa 400m at 800m run.

vuukle comment

ASIA MASTERS ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

DANNY JARIN

ELMA MU

EMERSON OBIENA

ERLINDA LAVANDIA

EVENT MA

JOHN LOZADA

KUALA LUMPUR

LERMA BU

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with