^

PSN Palaro

Gadi, Vivas papalo sa semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang magagandang laro mula sa mga matitikas na manlalaro para umabante pa sa men’s at women’s open singles semifinals sa MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) Makati leg sa Makati Coliseum kahapon.

Ang five-time champion na si Toby Gadi ng Golden Shuttle Foundation ay nanalo kay tenth seed Christopher Flores, 21-8, 21-18, sa quarterfinals at sunod na babanggain ang number four na si Kevin Dalisay na pinagpahinga si Kevin Cudiamat, 21-15, 8-21, 21-12.

Si Paul Vivas ng Philippine team-Victor ay may 21-7, 22-20, panalo laban kay Orlan Ticala para sukatin ang kasamahan at 8th seed Andrei Babad na sinilat si third seed Patrick Natividad, 21-13, 21-18.

Si Bianca Carlos na kampeon sa women’s singles sa Cebu Leg noong Mayo ay umani ng 21-14, 21-9 panalo kay Katherine Mayono para harapin ang papasibol na Amabel Sumabat ng WWGBA.

Si Sumabat ay nakakuha ng aten­syon sa ligang suportado ng MVP Sports Foundation at inorganisa ng Philippine Badminton Association (PBA), nang patalsikin ang third pick Bianca Legaspi, 21-8, 19-21, 21-14.

Ang top seed na si Gelita Castillo ay nasa semifinals din matapos ang walkover win laban kay Cassandra Lim. Sunod niyang kalaban si Danica Bolos.

 

AMABEL SUMABAT

ANDREI BABAD

BIANCA LEGASPI

CASSANDRA LIM

CEBU LEG

CHRISTOPHER FLORES

DANICA BOLOS

GELITA CASTILLO

GOLDEN SHUTTLE FOUNDATION

KATHERINE MAYONO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with