^

PSN Palaro

Rising Suns pahihigpitin pa ang kapit sa Solong Liderato: Road Warriors asam ang magandang debut vs Erasers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubuksan ngayon ng NLEX Road Warriors ang kampanya para sa makasaysayang ikaapat na sunod na titulo habang kaunahang 2-0 start ang nasa isip naman ng Cagayan Rising Suns sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa The Arena sa San Juan City.

Limang mahuhusay na manlalaro ng Road War­riors ang wala na sa pangu­nguna ng magigilas na sina Calvin Abueva, Cilff Hodge at Chris Ellis pero masasabing ipaparada ng koponang hawak ni coach Boyet Fernandez ang pinakamabangis na line-up sapul ng sumali sa liga.

Nasa NLEX ang  Smart Gilas Fil-Am player na si Matt Ganuelas bukod pa kina Baser Amer, Kevin Alas, Eric Camson, Chris Sumalinog at Nico Salva.

Si 7-footer Greg Slaughter ay nasa line-up din ngunit hindi pa makakalaro dahil hindi pa nakukuha ang endorsement mula sa Bureau of Immigration and Deportation (BID).

“Hindi pa kami nakakapag-ensayo bilang isang buong team kaya ang problema namin ay team che­mistry. Kaya masusukat kami sa labang ito,” wika ni Fernandez na huhugot din ng magandang numero sa mga beteranong sina RR Garcia, Garvo Lanete, Jake Pascual at Ian Sangalang.

Ang mga manlalaro ng Perpetual Help na sina Jet Vidal at Earl Thompson ang mamumuno sa Erasers na ngayon ay hawak ng beteranong coach na si  Aric del Rosario.

Samantala, ikalawang sunod na panalo para patuloy na mahawakan ang liderato sa 11 koponang liga  ang nakataya sa Suns sa pagharap sa Boracay Rum sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon.

Galing ang koponang minamanduhan ni coach Alvin Pua mula sa 89-85 panalo sa baguhang Informatics Icons upang maibaon sa limot ang 0-9 baraha sa kanilang unang conference.

ALVIN PUA

BASER AMER

BORACAY RUM

BOYET FERNANDEZ

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CAGAYAN RISING SUNS

CALVIN ABUEVA

CHRIS ELLIS

CHRIS SUMALINOG

CILFF HODGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with