^

PSN Palaro

Inilaglag si Orcollo sa finals :Boening us open champ

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walong sunod na racks ang ipinanalo ni US pool player Shane Van Boening para katampukan ang 13-7 tagumpay laban kay Filipino cue-artist Dennis Orcollo at angkinin ang kampeonato sa 37th US Open 9-Ball Championship na natapos kahapon sa Holiday Inn sa Virginia Beach, Virginia, USA.

Ito ang ikalawang titulo ni Van Boening matapos magdomina noong 2007 at siya ay hindi natalo sa kabuuan ng torneo na nilahukan ng 217 manlalaro.

Nakarating sa hot seat si Van Boening nang manalo kay Fil-Canadian Alex Pagulayan, 11-5, habang si Orcollo, ang US Open 10-Ball champion, ang  nagdomina sa loser’s bracket.

Binawian niya ang ka­ba­bayang si Efren “Bata” Reyes gamit ang 11-8 panalo bago isinunod si Pagulayan sa 11-7 iskor upang makuha ang karapatang labanan ang American pool player.

Race to 13 ang finals at nakauna si Orcollo sa 2-1 iskor. Ngunit nag-init na si Van Boening at winalis ang walong sunod na racks para sa 9-2 kalamangan.

Sinikap ng 33-anyos na si Orcollo na humabol nang makapaglubid-lubid ng limang racks para tapyasan sa dalawa ang kalamangan ni Van Boening (9-7).

Pero nakabalik sa mesa si Van Boening at winalis ang huling apat na racks tungo sa titulo.

Ito ang ika-10 panalo ni 29-anyos tubong Rapid City, South Dakota sa taon at naibulsa niya ang unang gantimpala na nagkakahalaga ng $25,000.

Dahil dito, si Van Boe­ning ay mayroon ng $127,680.00 na kinita sa taon.

Halagang $15,000.00 ang naiuwi ng China Open champion na si Orcollo para umangat din sa $81,350.00 ang kabuuang kinita sa paglalaro ng pool sa 2012.

Nalagay sa ikatlong puwesto si Pagulayan para sa $10,000.00 gantimpala habang ang natatanging nagkampeon na Pinoy sa torneo na si Reyes ay nasa ikaapat na puwesto para sa $6,000.00 pabuya.

 

BALL CHAMPIONSHIP

CHINA OPEN

DENNIS ORCOLLO

FIL-CANADIAN ALEX PAGULAYAN

HOLIDAY INN

ORCOLLO

PAGULAYAN

RAPID CITY

VAN BOENING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with