Irish coach bumilib sa performance ng mga boxer sa PLDT-ABAP slugfest
BAGO CITY, Philippines --Palagi siyang nakamasid sa ringside, nakatutok sa mga laban at nakikipagpalitan ng kuru-kuro sa mga Filipino coaches.
Sinabi ni Irish boxing coach Kevin Smith na nagustuhan niya ang kanyang mga napanood sa 2012 PLDT-ABAP Visayas Area boxing tournament dito sa Bago City Coliseum.
“I saw some good talents from yesterday and the other day,” sabi ni Smith sa regional grassroots tournament na nagtampok sa mga pinakamahuhusay na amateur boxers mula sa iba’t ibang rehiyon.
Nasa bansa si Smith, nakatuwang ni coach Roel Velasco sa corner ni Mark Anthony Barriga sa nakaraang 2012 London Olympics noong Agosto, para sa isang four-week consultation job para sa national boxing team.
Sa pagtatapos ng torneo, umaasa si Smith na makakadiskubre ng magagaling na batang boxers.
“There were some excellent boxers who stood out for me,” wika ni Smith, kina pinweight Jossa Santisteban at bantamweights Jeffrey Bagacay at James Palicte.
“And I saw them perform at such a young age and at a higher level. The female boxer, Santisteban, had a little bit of the x-factor. Then there’s James Palicte and Jeffrey Bagacay,” dagdag pa nito na maghahanda ng kanyang obserbasyon at isusumite sa ABAP.
- Latest