^

PSN Palaro

Game 3 ng Bedans-Letran sa Biyernes na

Ni ATan - The Philippine Star

Sa Biyernes sa Smart Araneta Coliseum gagawin ang pinakahihintay na sudden-death sa pagitan ng San Beda at Letran para sa 88th NCAA men’s basketball title

MANILA, Philippines - Napagdesisyunan ito ng pamunuan ng liga at sa ganap na ala-1 ng hapon ito magsisimula.

Kailangang agahan ang laro dahil may aksyon ding magaganap sa PBA na magsisimula sa ganap na alas-5:15 ng hapon.

Nauna ng itinakda ang Game  Three sa Huwebes sa Smart Araneta Coliseum pero kinailangang kanselahin ito dahil may sabong na gagawin sa Big Dome.

Sinipat din ang araw ng Miyerkules pero kakapusin ang liga na maipamahagi ang mga tickets ng laro kaya’t isinara na sa Biyer­nes ang labanan.

Nakauna ang Lions, 62-60, pero bumawi ang Knights, 64-55, sa Game Two noong nakaraang Sa­bado.

Samantala, hihingiin ni Letran coach Louie Alas ang opinion ng pamilya at kaparian ng Letran kung isasagawa ba o hindi ang public apology bunga ng cut-throat na ginawa niya sa mga referees  na nangyari sa Game Two.

Rekomendasyon ni Com­missioner Joe Lipa ang pagpapahayag ng public apology ni Alas dahil sinira umano ng beteranong mentor ang reputas­yon ng mga referees sa kanyang naging aksyon.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may coach na gumawa nito.

Sa UAAP finals ay umak­to rin ng ganito si UST coach Alfredo Jarencio pero walang ipinataw na kaparusahan sa mentor.

vuukle comment

ALFREDO JARENCIO

BIG DOME

BIYER

GAME TWO

JOE LIPA

LETRAN

LOUIE ALAS

SA BIYERNES

SAN BEDA

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with