^

PSN Palaro

Banal pinabagsak ni Singyu sa ninth round

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi akalain ni AJ ‘Ba­zooka’ Banal na ang isang patpating kagaya ni Pung­luang Sor Singyu ng Thailand ang bibigo sa kanyang pangarap na maging isang world boxing champion.

Mula sa kombinasyon ni Singyu, bumagsak si Ba­nal sa ninth round para ku­nin ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) bantamweight title noong Sabado ng gabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Itinigil ni American refe­ree Tony Weeks ang laban sa 1:45 ng ninth round nang hindi na makagula­pay si Banal mula sa pag­rapido ni Singyu.

“There was no purpose for him to get hurt anymore,” sabi ni Weeks sa pagpapahinto niya sa na­sabing laban.

May 43-1-0-2  win-loss-draw ring record ngayon si Singyu kasama ang 8 KOs, ha­bang may 28-2-1 (20 KOs) naman ang 24-anyos na si Banal.

Bago ang kabiguan kay Singyu ay natalo na rin si Banal sa isang World Bo­xing Association (WBA) interim super flyweight fight.

Ito ay nang mabigo siya kay Rafael Concepcion ng Pa­nama via 10th-round KO loss noong Hulyo 26, 2008 sa Cebu City.

Samantala, umiskor na­man ng mga KOs sina Rey ‘Boom Boom’ Bautista at Jason Pagara laban sa ka­nilang mga karibal.

Umiskor si Bautista (34-2-0, 25 KOs) ng split de­cision win kontra kay Me­xican Daniel Ruiz (27-6-2, 19 KOs) para ibulsa ang WBO International fea­therweight crown.

Pinabagsak ni Pa­gara (30-2-0, 19 KOs) si Miguel Antoine (17-1-1, 9 KOs) ng Barbados sa first round upang angkinin ang WBO light welterweight belt.

Sa mga non-title fights, pi­natulog ni Michael Domingo (45-16-2, 24 KOs) si Mudde Ntambe Rabison (19-3-1, 7 KOs) ng Uganda, Africa sa second round, habang pinatumba ni Marlon Tapales (20-1-0, 7 KOs) si Ramanudin (15-3-2, 10 KOs) ng Indonesia sa second round.

vuukle comment

BAUTISTA

BOOM BOOM

CEBU CITY

DANIEL RUIZ

JASON PAGARA

KOS

MALL OF ASIA ARENA

MARLON TAPALES

SHY

SINGYU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with