^

PSN Palaro

Alas tiyak na mapaparusahan sa pagsugod kay Guevarra

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang parurusa­han ng NCAA si Letran coach Louie Alas matapos ni­yang mun­tik sugurin si technical committee offi­cial Romy Guevarra sa hu­ling segundo sa Game Two ng 88th NCAA men’s bas­ketball Finals la­ban sa San Beda noong Sa­bado.

Nabanas si Alas nang pa­kitaan siya ng ‘dirty finger’ ni Guevarra na tila tu­­gon nito matapos sumenyas ng ‘cut-throat’ ang una sa hu­­ling bahagi ng ikatlong yugto bilang protesta sa of­ficiating.

Nanalo ang Knights sa Red Lions, 64-55, para itulak ang Game Three na naunang itinakda sa Ok­tub­re 25 sa Smart Araneta Co­liseum.

Walang magbigay ng opisyal na komento hinggil sa bagay na ito at kahit si league commissioner Joe Lipa ay tumangging magsalita kahit inaming may ibi­nigay ng rekomendasyon sa NCAA Management Com­mittee.

“Yes but talk to Fr. Vic (Calvo),” text ni Lipa.

Ayaw naman magsalita rin ni Fr. Calvo na siyang chairman ng Mancom dahil ang kanyang paaralan ang na­­sasangkot kaya’t ipi­­na­ubaya na lamang ni­ya kay  Dax Castellano ng La Salle-Greenhills ang ba­gay na ito.

Alinman umano sa pub­lic apology at one-ga­me sus­­pension ang mangya­yari kay Alas.

vuukle comment

CALVO

DAX CASTELLANO

GAME THREE

GAME TWO

JOE LIPA

LA SALLE-GREENHILLS

LOUIE ALAS

MANAGEMENT COM

RED LIONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with