Middle East training camp: Azkals, Bahrain tabla
MANILA, Philippines - Gumawa uli ng kasaysayan ang Philippine Azkals sa una sa dalawang laro sa sampung araw na Middle East Training Camp nang hiritan ng scoreless 0-0 draw ang Bahrain na nilaro noong Biyernes sa Al Muharraq Stadium, Bahrain.
Naipakita ng batang Azkals ang kanilang pangil nang sabayan ang laro ng mas tinitingalang katunggali sa football upang mairehistro ang kauna-unahang pagtabla ng Pilipinas sa katunggali na mas mataas ang seeding.
Ang Bahrain ay may FIFA ranking na 115 at ang pinakamataas na naabot ay sa 44th place noong 2004 habang ang Pilipinas ay nasa ika-147th na siyang pinakamataas na naabot sa kasaysayan.
Ang scoreless draw ay nangyari matapos pagharian ng Pilipinas ang 1st Philippine Peace Cup para sa kauna-unahang kampeonato ng bansa sa sport 99 taon ang nakalipas.
Lumipad ang koponan kahapon patungong Kuwait para sa isa pang friendly game sa Oktubre 17 sa Kuwait City.
Inaasahang makakasama na ng Azkals ang magkapatid na sina Phil at James Younghusband na hindi nakaalis dahil may naunang pinagkaabalahan.
Ang mga larong ito ay bahagi ng paghahanda ng Azkals para sa AFF Suzuki Cup sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre.
- Latest
- Trending