Coach Norman iiwan ang Ateneo na may matatag na basketball program
MANILA, Philippines - Kung may isang bagay na nais na maitatak kay Ateneo coach Norman Black, ito ay ang naitaguyod na matagumpay na programa sa basketball.
Nakumpleto ng Eagles ang tinarget na ikalimang sunod na titulo sa liga nang kunin ang 65-62 panalo sa UST sa Game Two ng finals noong Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sa kanyang huling post game interview, sinabi ni Black na naging matagumpay siya bilang isang collegiate coach dahil tumatag ang dinala niyang programa na nagresulta sa pagdagsa ng mga mahuhusay na manlalaro na napakinabangan ng Ateneo.
“When I first came in, I had good players. But in the next few years, we went out to the countryside and started getting the best players to play for the Ateneo team. Me and Paolo Trillo build the foundation together with the program. We grew it to a point where we were able to bring in good players over the years. That’s what I would like to be remembered,” wika ni Black.
Tinapos ni Black ang kanyang coaching career sa Ateneo na nagsimula noong 2005 bitbit ang 110-26 karta.
Nakapasok ang Eagles sa Final Four sa lahat ng taon na nakaupo sa bench si Black at anim na beses na naglaro sa finals.
Noong 2006 unang nakarating sa Finals si Black pero natalo ang number one team sa elimination sa UST.
“I’m very, very successful because Ateneo has now a strong foundation. A lot of people also don’t know that we have a year-round program. We work the entire year, we push our players a lot, we ask a lot from them and they come up big. I would like to thank them for that,” dagdag ng 54-anyos na dati ring sikat na PBA import noong kanyang kapanahunan.
Dahil sa iniwang program, nakikita rin ni Black na patuloy na magiging malakas ang Eagles sa basketball kahit wala na siya.
“Next year maybe a little bit of a problem because some of the key players are leaving. But it will be up to the next coach to get out there and start recruiting again,” dagdag pa ni Black.
Ang mga starters na sina Greg Slaughter at Nico Salva bukod pa ni Justin Chua at Tonito Gonzaga ang mawawala na kaya’t ang mga sasandalan sa 2013 ay sina Kiefer Ravena, Juami Tiongon, Ryan Buenafe at JP Erram.
- Latest
- Trending