^

PSN Palaro

Orcollo babandera sa Pinoy cue artists sa US Open

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walong Filipino cue artists ang isasa­lang ng bansa sa 37th Annual US Open 9-ball Championship mula Oktubre 21 hanggang 27 sa Holiday Inn Virginia Beach-Norfolk Convention Center sa Virginia, USA.

Mangunguna sa delegasyon si China Open champion Dennis Orcollo habang ang iba pang batikang manlalaro na isa­sa­bak sa aksyon ay sina Francisco Bustamante, Ronato Alcano at Warren Kiamco.

Si Kiamco ay nasa US na at mataas ang kumpiyansa na sasali sa US Open matapos pagharian ang Open/Pro event ng Predator Tour na natapos noong Linggo sa The Cue Bar sa Bayside, New York.

Tinalo ni Kiamco si Earl “The Pearl” Strickland ng USA, 9-7, para bitbitin din ang $3,025.00 unang gantimpala.

Kukumpletuhin nina Carlo Biado, Israel Rota, Santos Sambajon at Ramon Mistica ang manlalaro ng Pilipinas sa prestihiyosong 9-ball event sa US.

Hanap ng mga panlaban na magkaroon uli ng Pinoy na titingalain sa US Open.

CARLO BIADO

CHINA OPEN

CUE BAR

DENNIS ORCOLLO

FRANCISCO BUSTAMANTE

HOLIDAY INN VIRGINIA BEACH-NORFOLK CONVENTION CENTER

ISRAEL ROTA

NEW YORK

PREDATOR TOUR

RAMON MISTICA

RONATO ALCANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with