^

PSN Palaro

Orcollo sinibak ni Sniegocki sa semis

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nawala ang tsansa kay Dennis Or­collo na muling makuha ang titulong napanalunan ni­ya noong 2010 matapos mabigo kay Mateusz Sniegocki ng Poland, 8-6, sa semifinal round ng 2012 World Pool Masters sa Ha­la Legionow sa Kielce, Sou­thern Poland.

Si Orcollo, ang 2010 Mas­ters champion, ay su­megunda sa nagharing si German Ralf Souquet no­ong nakaraang taon.

Matapos namang talu­nin si Orcollo sa semis ay yu­mukod si Sniegocki sa ka­babayang si Karol Sko­werski, 6-8, para sa korona at premyong $20,000.

Dahil sa pagiging run­ner-up, tumanggap si Sniegocki ng $10,000.

Unang tinalo ni Sniego­cki si Souquet, 8-6, sa first round bago isinunod si Fil-Canadian Alex Pagulayan, 8-6, sa quarterfinals.

Pinatumba naman ni Sko­werski sina Shane Van Boening ng USA, 8-2, Tony Dra­go ng Malta, 8-3, at si Nick Van Den Berg ng Ne­therlands, 8-6.

DENNIS OR

FIL-CANADIAN ALEX PAGULAYAN

GERMAN RALF SOUQUET

KAROL SKO

MATEUSZ SNIEGOCKI

NICK VAN DEN BERG

SHANE VAN BOENING

SHY

SI ORCOLLO

SNIEGOCKI

WORLD POOL MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with