Lakers talo sa Warriors sa exhibition game

FRESNO, Calif. -- Umis­kor si David Lee ng 19 points at nagdagdag ng 18 si Klay Thompson pa­ra tulungan ang Golden State Warriors sa kanilang 110-83 panalo laban sa Los Angeles Lakers sa ka­nilang exhibition opener.

Humugot si Lee ng 13 points at 4 rebounds sa third quarter nang ungu­san ng Warriors ang La­kers sa scoring, 37-10, kung saan nila binaligtad ang isang nine-point halftime deficit upang ilista ang kanilang 86-66 bentahe.

Tumipa ng tig-10 mar­kers sina Kobe Bryant, Met­ta World Peace at Jor­dan Hill para sa Lakers.

Hindi pa nakakapag­laro para sa Lakers si All-Star center Dwight Ho­ward na may back injury.

Nagdagdag naman si pointguard Steve Nash ng 5 points at 3 assists para sa kanyang unang laro sa La­kers, hindi ipinasok ang mga starters sa se­cond half.

Show comments