Lakers talo sa Warriors sa exhibition game
FRESNO, Calif. -- Umiskor si David Lee ng 19 points at nagdagdag ng 18 si Klay Thompson para tulungan ang Golden State Warriors sa kanilang 110-83 panalo laban sa Los Angeles Lakers sa kanilang exhibition opener.
Humugot si Lee ng 13 points at 4 rebounds sa third quarter nang ungusan ng Warriors ang Lakers sa scoring, 37-10, kung saan nila binaligtad ang isang nine-point halftime deficit upang ilista ang kanilang 86-66 bentahe.
Tumipa ng tig-10 markers sina Kobe Bryant, Metta World Peace at Jordan Hill para sa Lakers.
Hindi pa nakakapaglaro para sa Lakers si All-Star center Dwight Howard na may back injury.
Nagdagdag naman si pointguard Steve Nash ng 5 points at 3 assists para sa kanyang unang laro sa Lakers, hindi ipinasok ang mga starters sa second half.
- Latest
- Trending