MANILA, Philippines - Umabante si 2010 Masters champion Dennis Orcollo sa quarterfinal round ng 2012 World Pool Masters Linggo sa Hala Legionow sa Kielce, Southern Poland.
Binigo ni Orcollo si women World No.1 Kelly Fisher ng England, 8-6.
Mabagal ang simula ng dating mangingisda mula sa Bislig, Surigao del Sur nang matalo sa first rack kay Fisher.
Ngunit inangkin ni Orcolo ang sumunod na limang racks.
Nakabangon naman ang women cue artist matapos kunin ang dalawang mesa patungo sa kanyang 3-6 agwat.
Makakalaban ni Orcollo sa quarterfinals si Mika Immonen ng Finland, nanalo kay Radoslaw Babica ng Poland, 8-7.
Samantala, maaga namang nasibak sa torneo si Alex Pagulayan matapos matalo kay Mateusz Sniegocki ng Poland, 6-8, sa kanilang quarterfinal match up.