^

PSN Palaro

Olympic body nais ireporma ni Lopez

- The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Hindi nakatakbo para sa POC presidency bunga ng teknikalidad sa eligibility rules, sinabi ni Manny Lopez na ang naturang posis­yon ay ikalawa lamang sa kanyang mithiing baguhin ang Olympic body.

Si Lopez ay hindi kuwa­lipikado para labanan si POC president Jose Cojuangco Jr. na puntirya ang kanyang ikatlong sunod na four-year term sa eleksyon sa Nobyembre 30.

Sa ilalim ng Section 11, Article VII ng POC Constitution and By-Laws, ang POC chairman at POC president ay dapat na may apat na taong karanasan bilang NSA president ng isang Olympic sport.

Dapat din silang aktibong miyembro ng POC General Assembly sa sumunod na dalawang taon bago ang POC election.

Ibinigay ni Lopez ang ABAP presidency kay Ricky Vargas noong 2008 at ang kasalukuyang POC first vice president na kumakatawan sa Philippine Handball Association bilang secretary-general.

Magdaraos ang ABAP ng kanilang eleksyon sa Oktubre 20 sa Bago City at may posiblidad na muling mapasakamay ni Lopez ang presidency.

Kung maihahalal si Lopez bilang ABAP president, maaari na niyang hamunin si Cojuangco.

“It all depends what the ABAP officials, who are the voters, want,” wika naman ni Vargas kay Lopez.

Ginagarantiyahan ni Lopez na may makakalaban si Cojuangco.

 “There will definitely be an opposing ticket because the majority of NSAs want reforms and change,” wika ni Lopez.

Kamakailan ay nagpahayag rin si Go Teng Kok na tatakbo sa POC election kung sakaling walang lumaban kay Cojuangco.

vuukle comment

BAGO CITY

COJUANGCO

CONSTITUTION AND BY-LAWS

GENERAL ASSEMBLY

GO TENG KOK

JOSE COJUANGCO JR.

LOPEZ

MANNY LOPEZ

PHILIPPINE HANDBALL ASSOCIATION

POC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with