MANILA, Philippines - Nakatakdang pakawalan bukas ang Cebu eliminations leg ng 36th National MILO Marathon.
Sinabi ng mga organizers ng regional qualifying leg na ito ang unang pagkakataon na gagawin ang MILO Marathon sa Cebu.
Tampok din sa event ang cheer dance competition at firework display, habang inaasahan namang tatakbo si Biggest Loser former contestant at fitness advocate Alan Choachuy.
Ang Help Give Shoes advocacy program ng MILO ay nakapagbigay na sa 19,700 underprivileged school children sa buong bansa.
Kabuuang 500 pares ng sapatos ang ipapamahagi sa mga mahihirap na bata sa limang eskuwelahan sa Cebu City. Ang mga ito ay ang Camp Lapu-Lapu Elementary School, Liloan National High School, Cabangcalan NHS, Mabolo Elementary School at City Central School.
Matapos ang Cebu eliminations leg, ang susunod na qualifying race ay gagawin sa Bacolod sa Oktubre 14 at sa Iloilo City sa Oktubre 28.