Thrilla in Manila' sa GMA News TV ngayong Linggo
MANILA, Philippines - Saksihan muli bukas sa GMA News TV ang matinding laban ng ‘Thrilla in Manila’ – ang ang klasikong banggaan ng mga boxing greats na sina Muhammad Ali at Joe Frazier.
Itinuturing itong pinakamagandang heavyweight fight sa kasaysayan ng boxing.
Mapapanood simula sa alas-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11 ang ‘Thrilla in Manila’ na siyang ikatlo at huling boxing match nina Ali at Frazier para sa world heavyweight championship.
Parehong ayaw sumuko, umabot sa 14 rounds ang nasabing laban na idinaos noong Setyembre 30, 1975 (Oct 1 sa Pilipinas) sa Araneta Coliseum.
- Latest
- Trending