Team owner, imbudo sa star player niya; Dennis Pineda ng SSC Stags, sa vice gov ng Pampanga
Slam dunker
Ateneo-UST bukas.
Game 1 ng Finals.
MANILA, Philippines - Hindi ko ma-imagine kung paano magkakasya sa MOA Arena ang mga alumni at estudyante ng dalawang eskuwelahan na yan na dadagsa at magnanais na panoorin ng live ang laro ng Blue Eagles at Tigers.
Kahit na sabihin pa nating slightly favored ang Ateneo sa laban na ito, marami pa rin ang naniniwalang iba ang dating ngayon ng UST, at posibleng -posible na magawa nilang makasilat.
Kung mayroon mang mahirap mabili o mahanap sa ngayon, yan ay ang tickets para sa UST-Ateneo game.
***
Ano ba ang dapat gawin ng UST Tigers para talunin nila ang Ateneo at makuha ang kampeonato.
Simple lang.
Huwag nilang pagawain si Kiefer Ravena.
Pigilan nila, i-zero nila.
Simple lang yan, oo.
Pero napakahirap gawin.
***
Galit na galit ang isang PBA team owner sa isa sa kanyang mga prize players.
Disappointed siya sa performance ni star player.
As in, nag-iisip siya na i-trade na ito agad.
Tingnan natin kung sa susund na game nila eh gagamitin ni coach si star player R.
***
May intrigahan pala sa coaching staff ng isang PBA team.
Hindi magkasundo si head coach at ang dalawa sa assistant coaches nya. Tumatagal, lumalala ang sapawan sa team na ito.
Hindi yan mahahalata ng mga fans at ng mga nanonood ng games nila.
Pero internally, may tension na.
Paano magtsa-champion yan kapag ganyang may gulo sa coaching staff nila?
***
Kumpirmadong tatakbong vice-governor ng Pampanga ang team manager ng SSC Stags na si Mayor Dennis Pineda.
Itong si Dennis ay matagal nang involved din sa sports.
Marami sa mga PBA players natin sa ngayon ay nanggaling sa kanyang pangangalaga, kabilang diyan si Arwind Santos at ngayon, si Calvin Abueva naman.
PBA players na purong Kapampangan na noong nag-uumpisa pa lang ay inalagaan na ni Dennis.
- Latest
- Trending