^

PSN Palaro

Panggugulang ni Marquez pag-aaralan ni Pacquiao

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kung may bagay na da­pat tutukan si Manny Pac­quiao para sa kanilang ikaapat na paghaharap ni Juan Manuel Marquez, ito ay ang panggugulang ng Mexican sa ibabaw ng boxing ring.

Sinabi ni Filipino trainer Buboy Fernandez sa pana­yam ng PTV Sports na pag-aaralan nila kung paano iwasan ang naturang taktika ni Marquez.

“Palagi lang tayong uma­atake pero minsan naka­kalimutan natin ‘yung depensa kaya tumatama ‘yung Marquez,” wika ni Fernandez, assistant ni trainer Freddie Roach.

Sa majority decision win ng 33-anyos na si Pacquiao noong Nobyembre ng 2011, ilang beses na sinadyang tapakan ng 39-anyos na si Marquez ang paa ni ‘Pacman’ para makakonekta ng counter punch.

“Wala na tayong babaguhin sa Pambansang Ka­mao natin. Iyong lakas nandiyan na ‘yan eh, yung bilis nandiyan na din. Ang importante lang ay kung paano natin mareresolba ‘yung counter ni Marquez,” dagdag pa ng Filipino trainer.

Kasalukuyan nang nag­papakondisyon ang Sarangani Congressman sa GenSan kung saan siya nakipaglaro ng badminton at volleyball matapos ang limang beses na pagdya-jogging kahapon.

Nakatakdang magtu­ngo si Pacquiao sa Maynila sa Oktubre 8 bago tumulak patungong United States sa Oktubre 13 para sa training camp sa Wild Card Boxing Gym ni Roach sa Hollywood, California. 

Maglalaban sina Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa isang catchweight fight sa 147 pounds at sa isang non-title, welterweight bout sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa kanilang unang paghaharap noong 2004, isang draw ang nailusot ni Marquez bagamat tatlong beses bumagsak sa first round, habang isang split decision ang nakuha ni Pacquiao sa kanilang rematch noong 2008.

vuukle comment

BUBOY FERNANDEZ

FREDDIE ROACH

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MANNY PAC

MARQUEZ

OKTUBRE

PACQUIAO

PAMBANSANG KA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with