Surfing sa Pinas pasisikatin ni Landrigan
MANILA, Philippines -Naniniwala ang professional surfer na si Luke Landrigan na maaari pang palaguin at palaganapin ang sport na surfing sa Pilipinas dahil sa dami ng magagandang surfing spots sa bansa.
Ayon kay Landrigan, na nanalo ng gold sa nakaraang Aloha Boardsports Pro Invitational Long Board Division at silver sa Asian Beach Games sa Indonesia, ngayon ang tamang panahon upang subukan ng maraming Pinoy ang surfing, lalo pa’t umpisa na ng surfing season. Tutal, maraming kilalang surfing spots sa bansa tulad ng La Union, Siargao at Baler.
“The best months (for surfing) depend on what side of the country you are in. In the Pacific side, there are more waves than the China Sea side. In the Pacific side, the best waves are from September to May while for the China Sea, the best waves are from October to April,” wika ni Landrigan na may-ari ng isang surfing school sa La Union.
Kailan lamang ay inanunsyo ng Ginebra San Miguel Premium Gin na si Landrigan na ang bago nitong brand endorser. Ang brand ay mayroong lime, smooth kapag iniinom at walang idinudulot na hangover.
Para kay Luke, ang endorsement ay isang paraan upang tumaas pa ang awareness level ng mga tao tungkol sa surfing.
Aniya, kahit mukhang madali at masayang tingnan ang surfing ay kailangan dito ang disiplina at praktis. Kaya naman sinisiguro ni Landrigan na masaya ang kaniyang mga estudyante habang nag-aaral ng surfing basics.
- Latest
- Trending