MANILA, Philippines -Inihayag kahapon ni athletics president Go Teng Kok ang kanyang intensyon na labanan si Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. para sa presidential election ng Philippine Olympic Committee sa Nobyembre 30.
“I will run against Mr. Cojuangco even if I know I don’t have a chance of winning,” sabi ni Go sa kanyang paghahamon kay Cojuangco para sa POC top post.
Idinagdag pa ng pangulo ng Philippine Amateur Track and Field Association na kaagad siyang nakatanggap ng suporta.
“I received over 50 text messages of support from my friends in the sports community and even those from other countries,” wika ni Go. “I’m doing this to wake up fellow NSA (National Sports Associations) leaders to step up the plate and bring in the much needed change.”
“My declaration is a wake-up call to all NSA heads. And if anyone among them decides to run, I will give way and support him instead,” dagdag pa nito.
Noong 2000 ay nilabanan ni Go si fencing chief Celso Dayrit para sa POC presidency kung saan siya natalo at noong 2004 ay sinuportahan niya ang kandidatura ni Cojuangco.
Nasa likod pa rin ni Cojuangco si Go nang makuha ng dating Tarlac Congressman ang kanyang ikalawang sunod na termino kontra kay shooting head Arturo Macapagal noong 2008.
Ngunit matapos ito ay nagkaroon ng sigalot sina Go at Cojuangco.
Sa nakaraang mga linggo ay marami ang humimok kay businessman/sportsman Manny V. Pangilinan ng basketball association na sumali sa POC presidential race.
Ngunit sinabi ni Pangilinan na hindi siya interesado at mananatili siyang ‘neutral’ sa POC elections.