Petron Ladies Beach Volleyball Battle of Champions: Cais-Cueva tandem pipiliting maidepensa ang korona

MANILA, Philippines - Katambal ang bagong kakampi, sisikapin ni Francislyn Cais na mapanatili sa UE ang titulo sa pagratsada ng 2012 Petron Ladies Beach Volleyball Battle of Champions bukas sa Provincial Capitol beach front grounds sa Lingayen, Pangasinan.

Si Cais na nakatambal si Jessica Paron nang tinalo sina Pauline Genido at Liezchel Tiu ng UP para sa titulo noong nakaraang taon ay makikipagsa­nib-puwersa kay Kryssel Cueva na babanggain ang hamon ng ibang bigating katunggali.

Mangunguna sa hahamon ay ang host team na Pangasinan na ibabandera ni Jennifer Manzano at Cin­dy Benitez.

Noong Marso ay nag­laro si Manzano para sa La Salle Dasmariñas katuwang si Giselle Bembo at dinomina nila sina Cais at Paron para sa kampeo­nato.

Si Bembo ay lalaro rin sa Finals pero makakasama niya sa pagkakataong ito si Iari Yongco.

Ang iba pang kasali ay ang PSBA (Joan Arceo-Grace Masangkay), Emilio Aguinaldo College (Lourdes Patilano-Donna Factor), Mapua-1 (Bianca Reyes-Mabele Lu), Mapua -2 (Patricia Aguino-Alissa Magallanes), UE-2 (Leu­seth Dawis at Ashlee Razon), Rizal Technological University (Jessa Aranda-Jonafer San Pedro) at Pa­ngasinan-2 (Melanie Car­rera-Cassandra Lleda.

Ang torneong ito ay ma­isasagawa dala na rin ng tulong ng Mikasa, Molten Balls, Speedo at Business Mirror bilang media partner.

Show comments