^

PSN Palaro

Matapos ibulsa ang unang International title, Peace Cup team isasabak sa malalaking torneo

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasa isipan ng Philippine Football Federation na isabak ang line-up na nanalo sa Peace Cup sa iba pang malalaking football events na lalahukan ng bansa.

Ayon kay PFF president Mariano Araneta na naging panauhin sa PSA Forum kahapon, may napatunayan ang Azkals nang dominahin ang apat na bansang Peace Cup kahit wala ang mga tini­tingalang Fil-Foreign players na dating sinasandalan para magkaroon ng disenteng resulta sa nilahukang torneo.

Nakita umano sa tagum­pay sa Peace Cup na ka­yang manalo ang Azkals kung bibigyan ang mga manlalaro ng pagkakataon na makapagsanay ng mahaba-habang panahon.

Si Dennis Wolf ang siyang lumutang sa huling torneo nang angkinin ang Golden Boot Award sa apat na goals bukod pa sa pagsungkit sa Most Valuable Player award.

Ang iba pang may ma­gandang ipinakita ay sina Matt Uy, Demi Omphroy, Jeff Christiaens at Patrick Reichelt.

“We will try to develop this team. All of them will play the UFL so there’s a chance we can have an intact team. They’ve already shown they can be relied upon,” wika ni Mariano.

Pero bukas pa rin ang PFF sa pagtapik ng mga Fil-Foreigners pero gagawin lamang ito para patibayin ang mga puwestong mahina sa koponan.

“We can still think about injecting two or three players from Europe. Players with top quality games who can easily jell with the team,” paliwanag pa ni Mariano.

Ang Peace Cup ay bahagi lamang ng paghahanda ng Azkals para sa paglahok sa Suzuki Cup sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre. (AT)

vuukle comment

ANG PEACE CUP

AZKALS

DEMI OMPHROY

GOLDEN BOOT AWARD

JEFF CHRISTIAENS

MARIANO

MARIANO ARANETA

MATT UY

MOST VALUABLE PLAYER

PEACE CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with