Cardinals nakaganti na
Laro sa Huwebes
(The Arena, San Juan City)
10 am CSB vs SBC (Jrs.)
12 nn JRU vs EAC (Jrs.)
2 pm UPHDS vs SSC (Jrs.)
4 pm JRU vs EAC (Srs.)
6 pm UPHDS vs SSC (Srs.)
MANILA, Philippines - Binawian ng Mapua ang Lyceum, 76-58, upang manatiling nakatuon sa malakas na pagtatapos sa 88th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Sina Mike Parala at Kenneth Ighalo ay naghatid ng double-double marka sa puntos at rebounding para sa Cardinals na sinandalan ang mainit na paglalaro sa second period upang iwanan ng tuluyan ang Pirates.
May 17 puntos at 10 rebounds si Parala habang si Ighalo ay nagtapos bitbit ang 12 puntos at 11 rebounds bukod pa sa tatlong tres.
Si Josan Nimes ay mayroon pang 11 puntos at ang Cardinals ay nakaganti sa 74-78 pagkatalo sa Pirates sa unang ikutan at umangat sa 7-10 baraha.
Ang tatlong Cardinals ang siyang nagpaningas sa 23-7 palitan sa Lyceum sa ikalawang yugto para hawakan ang 38-20 kalamangan sa halftime. Ang first period ay nasa dikitang 15-13 iskor para sa Mapua.
Tinapos ng Lyceum ang kanilang kampanya sa taon tangan ang 3-15 baraha at si Shane Ko ay mayroong 21 puntos bukod pa sa 6 assists para sa kanyang koponan.
Pero tulad sa huling mga laban ng Lyceum, walang iba pang manlalaro ang nakadoble pigura para lasapin ang ikaapat na sunod na kabiguan.
Tila kulang pa ang kamalasang inabot ng Pirates sa taong ito dahil sa pagbubukas ng 89th season ay isang manlalaro nila ang agad na masususpindi.
Si Daniel Garcia ay nakipagsikuhan at tulakan kay Michael Abad sa huling yugto upang pituhan ang dalawa ng disqualifying foul.
Kaakibat ito ng one-game suspensyon at dahil wala ng laro ang Lyceum, sa susunod na season na sisilbihan ito ni Garcia habang si Abad ay hindi makakasama ng Cardinals sa huling laban kontra sa St. Benilde sa pagtatapos ng elimination round sa Sabado (Oktubre 6). (ATan)
Mapua 76--Parala 17, Ighalo 12, Nimes 11, Stevens 8, G. Banal 6, Brana 6, Saitanan 6, Abad 4, antos 3, Magsigay 3, 3, J. Banal 0.
Lyceum -58--Ko 21, Zamora 9, Mallari 9, Alanes 5, Martinez 3, Ambohot 3, Garcia 2, Azores 2, Edding 2, Pascual 2.
Quarterscores: 15-13, 38-20, 59-35, 76-58
- Latest
- Trending