^

PSN Palaro

Reyes huhugot ng shooting coach sa US

- QHenson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Naghahanap si Smart Gilas II coach Chot Reyes ng isang shooting coach upang hasain pa ang mga shooters sa kanyang kopo­nan.

Nasa US si Reyes sa nga­yon ay inaasinta niyang kunin ang alinman kina da­ting national player Chip Engelland o ang dating Los Angeles Lakers guard Mike Penberthy para maging shooting coach ng Pambansang koponan.

Si Engelland ang pangu­nahing kamador ng Pambansang koponan na hina­wakan ni American coach Ron Jacobs.

Matapos ang kanyang playing career, kinuha siya ng mga NBA players na sina Grant Hill, Steve Kerr, Corey Maggette, Chamique Holdsclaw at Shane Battier bilang kanilang shooting coach.

Sa ngayon, ang 6’1 na si Engelland ay kabilang sa San Antonio Spurs.

Sa kabilang banda, si Penberthy na kasama sa Lakers champion team noong 2000-01 season, ang siyang tumulong para mas humusay ang Letran guard na si Kevin Alas sa kanyang pagbuslo.

Ang 37-anyos na si Pen­berthy rin ang nagtuturo kay Fil-Am Matt Ganuelas na nakasama sa Gilas na naglaro sa Jones Cup at FIBA Asia Cup.

ASIA CUP

CHAMIQUE HOLDSCLAW

CHIP ENGELLAND

CHOT REYES

COREY MAGGETTE

FIL-AM MATT GANUELAS

GRANT HILL

JONES CUP

KEVIN ALAS

LOS ANGELES LAKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with