Parks MVP, Teng ROY

MANILA, Philippines - Nakuha ni Bobby Ray Parks Jr.ang pangunguna sa Statisitcal Points matapos ang double round elimination sa 75th UAAP men’s basketball.

Kumulekta ang National University star na si Parks ng 77.2857 SP mula sa ibi­nibigay na 21.4 puntos, 7.2 rebounds, 4.4 assists, 1.5 blockssa 33.6 minutong paglalaro upang selyuhan na rin ang ikalawang sunod na Most Valuable Player (MVP) award.

Kinapos ang sentro ng UST na si Karim Abdul nang mahigit isang puntos lamang nang nalagay sa ikalawang puwesto tangan ang 76.2143.

Si Teng ang kikilalanin bilang Rookie of the Year ng taon habang sina Slaughter at Romeo ang kukumpleto sa Mythical five. (AT)

Show comments