Talino at karanasan gagamitin ni Marquez para manalo kay Pacquiao

MANILA, Philippines - Kagaya ni Manny Pacquiao, sinimulan na rin ni Juan Manuel Marquez ang pagpapakondisyon sa Romanza Gym sa Mexico City.

Sinabi ng 39-anyos na si Marquez na ang pagpapabagsak sa 33-anyos na si Pacquiao ang tanging tsansa niya para manalo sa kanilang pang apat na paghaharap sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“I’ll be coming with a lot of preparation and confidence. The goal is to try to win the fight by knockout,” wika ni Marquez sa panayam ng Fightnews.com. “Two factors accompany me: Intelligence and the experience.”

Magtatagpo sina Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa pang apat na pagkakataon sa isang catchweight fight sa 147 pounds at sa isang non-title, welterweight fight.

“We seek to maintain the pace of the fight and see the opportunity to put Pacquiao on the canvas and take advantage of that situation. I know how difficult the fight will be. Pacquiao is a strong fighter,” ani Mexican trainer Ignacio ‘Nacho’ Beristain sa kanilang plano.

 Sa kanilang unang paghaharap noong 2004, isang draw ang naitakas ni Marquez bagamat tatlong ulit bumagsak sa first round, habang isang split decision naman ang nakamit ni Pacquiao sa kanilang rematch noong 2008.

Umiskor rin si Pacquiao ng isang majority decision win sa kanilang pa­ngatlong pagtatapat ni Marquez noong Nobyembre ng 2011.

Show comments