Miami mas maganda ang ilalaro ngayon - James

MIAMI -- Sa kanyang nakita sa locker room ng Miami Heat, naniniwala si LeBron James na mas maganda pa ang ilalaro ng nagdedepensang kampeon para sa darating na season.

‘’We can be better than we were this past season,’’ wika ni James. ‘“Are we better right now than we were just a couple months ago? Of course not. ... But we have the potential to be better. We have the potential to be a lot better. That is scary.”

Sa nakaraang season ay nakuha ni James ang kanyang ikatlong MVP award, ang kanyang ka­una-unahang NBA Finals MVP award at ang una niyang NBA championship trophy.

Nakasama si James sa Heat sa kanilang taunang media day noong Biyernes.

Bukod kay James, mu-ling aasahan ng Miami si na Dwyane Wade at Chris Bosh, habang idinagdag naman si veteran Ray Allen, ang huling laro sa NBA ay sa Game 7 ng Eastern Conference finals sa Miami nang maglaro siya para sa Boston Celtics.

‘“We have one target,’’ sabi ni Celtics coach Doc Ri vers. ‘“And that’s Miami.’’

Magbabalik din para sa Heat ni Fil-Am coach Erik Spoelstra sina Shane Battier at Udonis Haslem.

Show comments