^

PSN Palaro

St. Clare nakauna sa CEU

- The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Naglabas ng dumadagundong na opensa ng host school St. Clare Col­lege-Caloocan sa huling yugto para daigin ang Centro Escolar University, 82-77, sa pagsisimula ng 12th NAASCU men’s basketball finals kahapon sa Makati Coliseum.

Rumatsada si Jeff Alvin Viernes taglay ang 38 puntos upang pangunahan ang Saints sa paghawak sa mahalagang 1-0 baraha sa best-of-three title series.

Magkakaroon ng pagkakataon ang Saints na maibulsa ang kauna-unahang titulo sa liga sa pag-angkin sa Game Two na lalaruin sa Lunes sa nasabing venue.

Si Jammer Jamito ay may­roon pang 20 puntos habang 11 ang ginawa ni Eugene Torres para sa host team na na-outscore ang Scorpions sa huling 10 minuto ng labanan, 21-14.

Tabla ang magkabilang koponan matapos ang unang yugto, 15-all, pero nakaungos ang Scorpions sa sumunod na dalawang quarters, 31-30 at 63-61, upang paniwalaang kayang maulit ang panalong kinuha sa Saints sa second round dahilan upang maunsiyami ang tangkang sweep sa elimination round.

Sina Axl Garcia, Alvin Abundo, Mark Guillen at John Paul Magbitang ay nagsanib sa 57 puntos para sa natalong koponan.

Samantala, gumawa ng 20 puntos si Aaron Jeruta para pangunahan ang CEU sa 64-50 panalo sa STI College at hawakan ang 1-0 bentahe sa karera para sa juniors division.

ST. CLARE 82  Viernes 38, Jamito 20, Torres 11, Gil 4, Santos 3, Dulalia 3, Lunor 2, Managuelod 0, Torres P. 0.

CEU 77  Garcia 22, Guillen 13, Abundo 12, Magbitang 10, Beldad 8, Batino 4, Alquisalas 3, Pagkatipunan 3, Pedrosa 2, De leon 0.

Quarterscores :15-15, 30-31, 61-63, 82-77. 

AARON JERUTA

ALVIN ABUNDO

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

EUGENE TORRES

GAME TWO

JEFF ALVIN VIERNES

JOHN PAUL MAGBITANG

MAKATI COLISEUM

MARK GUILLEN

SI JAMMER JAMITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with