^

PSN Palaro

Iniligwak ang baste JRU kumakasa pa

- ATan - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Humugot ng 28 puntos ang Jose Rizal University kay Byron Villarias upang angkinin ang 82-74 panalo laban sa San Sebastian sa 88th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Pinantayan ni Villa­rias ang pinakamaraming 3-pointer na naipasok sa laro na dating solong hawak ni Ronald Pascual nang magtala ito ng walo pero ang pinakamahala­gang buslo na ginawa niya ay ang lay-up gamit ang kaliwang kamay na nagbigay ng 78-74 bentahe sa koponan.

Matapos ito ay inagawan niya si Dexter Marquez bago nagbigay ng magandang assist kay Romnick Mendoza tungo sa side jumper upang tulu­yang tapusin ang hininga ng Stags.

Ito ang ika-10 panalo matapos ang 16 na laro ng tropa ni coach Vergel Meneses para dumikit ng kalahating laro sa Perpe­tual at Letran na magkasalo sa mahalagang ikatlo at apat na puwesto sa 10-6 baraha.

“Talagang gusto kong manalo ang team kaya ginawa ko ang lahat ng puwede kong gawin,” wika ni Villarias na sa first half pa lamang ay kumamada na ng 20 puntos, tampok ang anim na tres.

Nasayang ang 25 puntos ni Sangalang at 26 puntos, 20 rebounds, 4 assists at 3 blocks ni Abueva dahil bumaba ang Stags sa 11-5 baraha.

Sa unang laro, tinapatan na ng Arellano University ang panalong nakuha sa nagdaang season nang pataubin ang Lyceum, 58-49. 

ABUEVA

ARELLANO UNIVERSITY

BYRON VILLARIAS

DEXTER MARQUEZ

JOSE RIZAL UNIVERSITY

ROMNICK MENDOZA

RONALD PASCUAL

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

VERGEL MENESES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with