Azkals susukatan ang Guam sa pagsisimula ng Peace Cup ngayon
Laro Ngayon
(RizalMemorial Football Stadium)
4 p.m. Chinese-Taipei
vs Macau
7:30 p.m. Phl vs Guam
MANILA, Philippines - Bigyan ng magandang simula ang bagong mukha ng Azkals ang nais ng koponan sa pagharap sa Guam sa pagsisimula ngayon ng Philippine Peace Cup sa Rizal Memorial Football Stadium.
Sa ganap na alas-7:30 ng gabi mapapanood ang laban na kung saan ang Azkals ay pangungunahan ni Chieffy Caligdong at mga manlalarong hindi gaanong ginagamit at mga bagong pasok sa koponan.
Bukod kay Caligdong, kakampanya rin sa koponan sina Jason Sabio, Denis Wolf, Ian Araneta, Misagh Bahadoran, Carli de Murga, Marwin at Marvin Angeles, Patrick Reichelt, Jason De Jong, OJ Porteria, Roel Gener, David Basa, Matthew Uy, Demitrius Omphroy, Jeffrey Christiaens, Roel Gener, David Basa, Eduardo Sacapano, at Ref Cuaresma.
Wala sa koponan ang mga Fil-European players na abala sa kanilang mga liga habang inalis din sa talaan ang magkapatid na sina Phil at James Younghusband.
“We appreciate what they have done for the team and for the country. But PFF can’t meet some of their economic and non-economic demands,” wika ni PFF spokesman Ebong Joson sa press conference ng torneo kahapon sa Century Park Hotel.
Isa rin sa inayaw ng PFF sa magkapatid ay ang desisyon nilang hindi sumama sa training sa buong buwan ng Oktubre dahil sa mga ibang gawain sa labas ng football.
Kailangan ni coach Hans Michael Weiss ang lubusang oras sa lahat ng mga manlalaro dahil pinaghahandaan nila ang Suzuki Cup sa huling linggo ng Nobyembre.
Ang magbubukas naman ng tabing sa kompetisyon ay ang pagkikita ng Chinese Taipei at Macau sa alas-4 ng hapon.
- Latest
- Trending