Shell chessfest patuloy na dinodomina nina Literatus, Pineda
MANILA, Philippines - Umani ng tig-apat na panalo ang top seed na si Austin Jacob Literatus at number 3 Judit Pineda para pagsaluhan liderato sa junior divison sa 2012 Shell National Youth Active Chess Championship sa pagbubukas noong Sabado sa SM Megamall Event Center sa Mandaluyong City.
Nagdodomina naman sa Kiddies divison si Mindanao leg champion Kyle Rhenzi Sevillano at NCR champion at double gold medalists sa 2012 Batang Pinoy NCR elims Carlo Caranyagan matapos makapagposte ng tig-apat na puntos.
Si Vic Glysen Derotas ng University of San Carlos-Cebu ang una sa girls kiddies sa 4.5 puntos papasok ikalawa at huling araw ng torneo noong Linggo.
Si Literatus na nagdomina sa Mindanao leg ay nanalo kina McDominique Lagula, Jefferson Mansanero, Ali Guya at Alfer Joseph Fernandez upang pamunuan ang 10-manlalaro round robin boys juniors division.
Natalo si Literatus kay fifth seed Junmark Baldesimo ng Digos City dahilan upang maging palaban pa si Jared Docena na nakabawi mula sa pagkatalo kay Baldesimo sa first round at tabla kay Lagula, nang manalo sa sumunod na 3-laro tungo sa 3.5 puntos.
- Latest
- Trending